LIKKAS 2021: Nabiyayaan kaya naging biyaya

February 17, 2021
By: 
LIKKAS committee; poster designed by Sharen Arriola-Jose

Ngayong Pebrero 15-19, 2021, ipagdiriwang natin ang Linggo ng Kasaysayan, Kultura, at Sining (LIKKAS). Ang tema ng ating pagdiriwang ay Gifted to Give, Nabiyayaan kaya naging biyaya. Nakaayon ito sa tema ng ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Matutunghayan natin kung paano nabiyayaan ang ating mga mag-aaral ng iba’t ibang talento sa larangan ng Kasaysayan, Musika at Sining kaya naman ibinabahagi rin nila ito sa ating komunidad.

Ang inspirasyon ng ating logo para sa LIKKAS 2021 ay nagmula sa disenyo ng okir na nagmula sa Mindanao. Ang titik “I” ay hango sa imahe ng isang binhi na simbolo ng pag-aani ng biyaya at talento sa Kultura, Kasaysayan at Sining. Makikita rin ang imahe ng isang mandirigma bilang simbolo ng asignaturang Araling Panlipunan. Kinakatawan at interpretasyon nito ang mga Pintados ng Visayas. Ang imahe naman ng tagahabi ang nagsisilbing simbolo ng asignaturang Sining. Kinakatawan nila ang mga natatanging dream-weavers ng T’nalak mula sa ethno-linguistic group na T’boli. Ang imahe naman ng musikerong may hawak na boat lute o kutiyapi ang simbolo ng asignaturang Musika. Para naman sa iba’t ibang publication materials, kinakatawan ito ng Batok o tattoo patterns ng Cordillera. Sa kabuuan, ang mga biswal na elementong ginamit para sa logo ay representasyon at interpretasyon ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sabay-sabay nating ipagdiwang ang LIKKAS sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga inihanda naming gawain gaya ng Quiz bee, Art Contest, Art Talks, Art Exhibits at pagtatanghal ng mga awiting Asyano, Africano, Afro-Latino at mga orihinal na komposisyon.