2. Hahantong ba ang federalismo sa lalong pananaig ng mga dinastiyang pampolitika? Lalo kayâng mabilis na dadami ang mga dinastiya sa ilalim ng federalismo?
Sa ilang paraan, ang karanasan at ebidensiyang patakaran sa likod ng desentralisasyon ay makatutulong na mabatid natin ang posibleng bisà ng ganap na federalismo sa tradisyonal na politika at mga angkang pampolitika. Sa Indonesia, ang paglipat sa awtoritarismo sa ilalim ni Suharto at tungo sa higit na desentralisasyon ay lumikha ng espasyong pampolitika upang umusbong ang bagong pamumunò sa lokál na nibél. Gayunman, ang espasyong ito ay agad na naokupá sa ilang rehiyon ng mga makapangyarihang lokál na elite na naging mga raja kecil (munting hari). Mabilis na pinag-isa nila ang kapangyarihang pang-ekonomiya at pampolitika sa mga rehiyong pinaghaharian nila. Iginigiit ni Hutchcroft (2001, 32) na sa mga lokál na yunit ng pamahalaan, na ang mga boss ay lumilitaw na may mapamuwersang kapangyarihan, maaaring mauwi ang debolusyon sa pangungunsinti ng poot laban sa demokrasya. Sinasabi rin ng ilang pagsusuri kamakailan na ang mga kahawig na tendensiya sa paglitaw ng mga “lokál na boss at oligarkang pang-estado” at mga “ninong ng kanayunan” na naghahangad na makaimpluwensiya sa lokál at pambansang paglikha ng patakaran ay maoobserbahan sa Brazil at Thailand pagkatapos ng desentralisasyon (Hutchcroft 2001, 41).
May nakakahawig na ganitong istoryang nangyari sa Filipinas. Ang pagbagsak ng diktadurang Marcos ay sinundan ng desentralisasyon sa pamamagitan ng Kodigo ng Pamahalaang Lokál ng 1991. Bagaman walang dudang may magagandang ibinunga ang desentralisasyon (e.g., pagkabuo ng mga pangkat panlipunang sibil, pagkalikha ng mga mekanismong pangkooperasyon para sa mga lokál na pamahalaan tulad ng mga liga ng lokál na pamahalaan, pinagbuting paraan ng walang-lihimán sa mga transaksiyon ng mga lokál na pamahalaan), nagdulot din ito ng mga depektibong resulta, tulad ng paglitaw ng mga angkang pampolitika sa lahat ng probinsiya sa Filipinas. Malayò sa ambisyong demokratisasyon na may desentralisasyon, sinasalamin nitong mga angkan ang di-pagkakapantay-pantay sa kapangyarihang pampolitika at pang-ekonomiya sa lokál na nibél. Isang lider, si Alex Lacson, ang naglarawan sa panahon pagkaraan ni Marcos bilang “ang pagbangon ng maraming munting-diktadura.”
Nakini-kinita ng mga bumalangkas ng Konstitusyong 1987 ang panganib na idudulot ng mga angkang pampolitika sa mga lokál na nibél, kayâ naglagay sila ng isang probisyon sa Konstitusyon na nagtatadhana ng pagregula sa mga dinastiya. Ang naging pagkakamali nila sa wari ay ang pagpapaubaya ng gawaing ito sa Kongreso, na noon pa man ay kababakasan na ng mga tendensiya na madodomina ng mga angkang pampolitika. Nito lamang nakaraang isang dekada at kalahati, umangat na sa kalahati mula sa sangkatló ang ambag ng mga dinastiyang pampolitika sa kabuoan ng pamumunò ng lokál na pamahalaan. Kung magpapatúloy ang takbo ng mga pangyayari sa ngayon, inaasahang aabot ang mga dinastiyang pampolitika sa 70 porsiyento ng lahat ng pamumunò sa pamahalaang lokál sa pagsapit ng 2040.
Pinag-aaralan nang mabuti ngayon ang mga implikasyon sa pag-unlad ng mga padrong dinastiko sa pamamahala. Inihahayag ng ebidensiyang empiriko na mabilis dumami ang mga dinastiya sa mga probinsiya ng Filipinas na may mahihinang pundasyong demokratiko (e.g., mababang kaunlarang pantao, mahinang gitnang-uri, malubhang karukhaan). Sa halip makahabol sa mga rehiyong higit na maunlad, nasadlak ang mga lugar na ito sa mababang-kaunlaran, at lumalim pa sa wari ang mga relasyong tagatangkilik-tinatangkilik. Natuklasan sa empirikong pananaliksik kamakailan ang ebidensiya na ang pagkabuo ng mga “bundat na dinastiyang pampolitika”—mga angkang pampolitika na magkakapanabay na nasa poder ang marami sa mga miyembro ng pamilya—ay nakasanhi ng lalong matinding karukhaan at mababang-kaunlaran. Tinukoy rin ang mga resulta ng depektibong pamamahala tulad ng nepotismo, pamumunòng mapandahas, at bentahan ng boto, kasama ang iba pang mga indikasyon ng mahinang demokratisasyon sa ilan sa mga pinakanagdarahop na mga probinsiya ng bansa.
Mahalagang isaalang-alang na ang mga imperpeksiyon ng desentralisasyon—halimbawa, ang patúloy na kahinaan ng mga partidong pampolitika, ang kalikasáng mapagpanumbalik-lakas ng sarili ng politikang patronato sa harap ng mababang-kaunlaran, at iba pa—ay naganap sa isang unitaryong sistema ng pamahalaan sa Filipinas. Nakalilikha para sa demokratisasyon ng mga peligro at oportunidad ang lalong malalim na desentralisasyon sa pamamagitan ng federalismo. Nagbababalâ si Hutchcroft (2001, 33) na “kung ang layon ay magbuo ng panunuri sa halip na magpalaganap ng pananalig, mahalagang lampasan ang pag-uugnay ng awtoritarismo sa sentralisasyon at ng demokrasya sa desentralisasyon.”
Sadya namang may mga kontra-demokratikong panganib sa ilalim man ng sistemang unitaryo o sistemang federal. Nagmimistulang kritikal ang pagkakaroon ng mga kailangang panimulang-kondisyon para sa lalong matatatag na demokratisasyong pagkilos alinsunod sa alinmang dalawang landasin. Masasabing hindi kinakailangang mabilis na lumaganap ang mga dinastiyang pampolitika sa ilalim ng desentralisasyon (o maging sa ilalim ng isang federal o unitaryong sistema man) kung naipatupad bilang bahagi ng mga panimulang-kondisyon sa pangkalahatang reporma ang mga angkop na pananggalang para sa lalong matatag na demokratisasyon. Bagaman di-masinsinan, makatutulong sa pagbalanse ng mga larangang pampolitika at pang-ekonomiya ang gayong mga reporma na nakapagpapatatag sa mga partidong pampolitika at nakakokontrol sa proliperasyon ng mga dinastiyang pampolitika, pati na rin iyong mga nakapagpapalaya sa ekonomiya sa mga labis-labis na paglilimita sa kompetisyon sa mga susing sektor (na kadalasang monopolisado ng mga lokál at pambansang elite).

Back | Proceed to Question 3: Hahantong kayâ ang federalismo sa higit na katiwalian ng mga lokál na opisyal tulad ng nangyari sa ARMM noong dekada 90? |