2. Sino ang kokontrol sa mga puwersa ng pulisyá? Makapagtatatag ba ang mga estado o lokál na pamahalaan ng sariling puwersa ng pulisyá?
Mananatiling pambansa ang saklaw ng Philippine National Police (Pambansang Pulisya ng Filipinas), may katangiang sibilyan, at nakapailalim sa awtoridad ng federal na pamahalaan.
Ang pagbabalik sa dating gawî na may mga independiyenteng puwersa ng pulisya sa mga siyudad at munisipalidad na siyang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lokál na nibél ay hindi maimumungkahi sapagkat isang pagbabalik ito sa lumang sistema na walang unipormidad o kaisahan, mahina ang koordinasyong ahensiya-sa-ahensiya, at may palagiang pagtatalo-talo sa mga lokál na puwersa ng pulisya. Sabihin pa, nakapasok sa sistema ang politikang kampi-kampihan sa pag-empleo, pagtatalaga, pagdedestino, at pagtaas ng ranggo ng mga pulis. Ginamit pa ng ilang politiko ang mga pulis bilang pribadong hukbo sa pagsusulong ng kanilang mga personal na interes, dahil ang marami sa mga puwersa ng pulisya noon ay kontrolado ng mga alkalde.
Kung gayon, ang pagpapanatili at pagpapabuti sa kasalukuyang sistema upang magkaroon ng pinagsasaluhang kapangyarihan sa pagitan ng mga pamahalaang Federal at Rehiyonal ang pinakamainam na hakbang kung magiging federal ang Filipinas.

Back | Proceed to Question 3: Paano kokolektahin at paghahati-hatian ang mga buwis? |