2. Batay sa komparatibong karanasan, ano ang mga pangunahing prinsipyo na mahalagang isaalang-alang bago sumuong sa mga proseso ng repormang pampolitika?
May tatlong batayang prinsipyo na sálalayán ng alinmang programang pampolitika—hindi lamang ang desisyong magsagawa ng reporma, unang-una na, kundi kung ano rin ang mga espesipikong tipo ng reporma ang itataguyod.
Ang unang prinsipyo, napakasimple, ay ang pag-aralan at unawain ang mga umiiral nang kondisyon dahil wala namang reporma na iisang-sukat-na-akmâ-sa-lahat. Bawat bansa ay may sari-sariling naiibang historiko at pangkulturang kumpigurasyon ng kapangyarihan at awtoridad. Batay sa nabanggit na naunang maingat na pag-aaral, dapat munang tukuyin ng mga tagapagreporma ang mga tiyak na problema na sinusubok nilang lutasin. Halimbawa’y may isang bansa na desentralisado na, may maraming probinsiya na pinaghaharian ng mga lokál na dinastiya na nakikinabang sa malaking kapangyarihang mapamuwersa at ekonomiko, na ikinapapahamak ng higit na nakararaming mamamayan. Sa kontekstong ito, ang landas patungo sa demokrasyang may higit na kalidad ay aktuwal na mailalatag sa pamamagitan ng mga pagsisikap na linangin ang lalong malakas at mabisang estadong sentral na makakokontra sa subnasyonal na awtoritarismo at makasisiguro ng lalong maiinam na mekanismo para sa lokál na pananagutang demokratiko. Makahihikayat ang landas na ito patungo sa repormang pampolitika ng higit na totoong mga anyo ng desentralisadong pamamahala, batay sa mga mekanismo ng sariling-pamamahala na sinadya upang mabigyang-kapangyarihan ang mga lokál na mamamayan—hindi tulad ng sa umiiral na sistema, na nagpapahintulot sa mga kontra-demokratikong anyo ng awtonomiya na karaniwang nakasentro sa matagal nang nakapuwestong mga lokál na angkan.
Sa pag-aaral at pag-unawa ng mga nariyan nang umiiral na kondisyon, maaaring pumasok sa isang proseso ng repormang pampolitika na bunsod-ng-problema: kinikilala muna ang mga pangunahing suliranin na lulutasin at sakâ bumabalangkas ng mga maaaring angkop na solusyon sa pagresolba ng nasabing mga suliranin. Taliwas ito sa likas na may depektong proseso ng repormang pampolitika na bunsod-ng-solusyon, na inuuna ang pagpapanukala ng isang solusyon at sakâ pa lamang pangangatwiranan kung bakit ito ang piniling solusyon. Ang halimbawa nitong ikalawa ay maaaring magsimula sa ganitong paraan: “Hoy, may maganda akong solusyon at ang tawag dito ay federalismo!” Mula sa paggigiit na ito, susunod na hakbang ang paghahanay ng mga espesipikong dahilan kung bakit nararapat na lumipat sa isang sistemang federal. Ang mga likas na depekto ng isang bunsod-ng-solusyong proseso ng reporma ay naipahayag nang eksaktong-eksakto sa mapang-uyam na pamagat ng isang forum na inorganisa ng School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas noong Setyembre 2016: “Kung Federalismo ang Tugon, Ano ba ang Tanong?”
Ang ikalawang batayang prinsipyo ng repormang pampolitika, na kaugnay na kaugnay ng nauna, ay ang pag-unawa sa kalikasán at kapasidad ng mga salalayang institusyong pampolitika—lalo na ang dalawang kritikal na institusyon ng burokrasya at mga partidong pampolitika. Kung mahina ang mga institusyong ito, ang anumang itayô ay mauuwi sa kawalang-katatagan (parang pagtatayô ng isang bahay sa buhanginan). Halimbawa: marahil hindi nasisiyahan ang mga mamamayan ng isang bansa sa kanilang umiiral na unitaryong sistemang pampolitika at isang tagapagreporma ang nagsabi sa kanila na higit na pambansang tagumpay ang makakamit kung lilipat sa federalismo. Ngunit paano kung ang mga kakulangang naranasan sa isang sistemang unitaryo ay sadyang idinulot ng mga kakulangan ng mga salalayang institusyong pampolitika ng isang bansa, lalo na ng isang di-mabisang burokrasya at mahihinang partidong pampolitika? Kung gayon, ang paglipat sa federalismo—kahit itinayô pa sa gayunding buhanginan—ay malamáng na makapagdudulot ng matatayog na hangaring marubdob na ipinangako ng mga tagapagpasimuno nito. Kung walang higit na malakas na mga pampolitikang institusyon, ang mga dinanas na kabiguan at kalungkutan sa ilalim ng isang unitaryong sistema ay mahahalinhan ng bagong bunton ng mga kabiguan at kalungkutan na di-pa-nakikilala (at potensiyal na mas malala pa) na idudulot ng federalismo.
Humahantong ito sa ikatlong batayang prinsipyo, at ito ay ang pangangailangang maging handa sa mga di-sinasadyang kinahinatnan. At bilang resulta nito, dapat maging handa sa katotohanang higit na malaki ang panganib na magkaroon ng mga di-sinadyang kinahinatnan kapag higit na malaki ang isinasagawang reporma. Kung babalikan ang tatlong tipo ng repormang pampolitika na tinukoy sa Tanong 31, ang isang kalipunan ng mga ipinanunukalang reporma hindi lamang sa sentral-subnasyonal na ugnayan (e.g., paglipat mula sa isang sistemang unitaryo patungo sa federal) kundi pati na rin sa mga estrukturang pangkinatawan (e.g., paglipat mula sa isang presidensiyal patungo sa isang semi-presidensiyal na sistema) ang siyang nagbibigay-daan sa matitinding panganib ng di-sinadyang kinahinatnan. Sa higit na mahayap na paraan, dapat tanggapin ng mga tagapagrepormang nagpapanukala na magkasabay na isakatuparan ang dalawang tipo ng reporma ang mataas na nibél ng kawalang-katiyakan na potensiyal na ipinagpipilitan nila sa kanilang mga kababayan. Ang bukod-tanging may-katiyakan ay ang kawalang-katiyakan; lubhang napakahirap alamin kung anong uri ng pamahalaan ang lilitaw pagkatapos ng buong proseso.
Gayundin, hindi dapat balewalain ang mga batayang kahingian ng mismong proseso. Ang anumang pagsisikap na maisainstitusyon ang gayong malawakang pagbabago sa dalawa sa tatlong pangunahing tipo ng repormang pampolitika ay siguradong makapagbubunsod ng matataas na nibél ng pagtuligsa. Habang nagaganap ang transisyon, karaniwan nang ang iba’t ibang nasasangkot ay magsikap na patindihin ang sari-sariling kapangyarihan at awtoridad (tunay na katangian ito ng lahat ng politiko saanman sa mundo). Maaaring magmukhang nakamamangha o nakalilito para sa sambayanan ang ganitong doble-turnong transisyon, lalo na nga kung sadyang di-mainam ang implementasyon. Ang komunidad ng mga negosyo ay malamáng na makaranas ng higit na mababàng nibél ng pagpapatuloy ng mga patakaran sa gitna ng transisyon, at dahil nakaaapekto sa pagtitiwala ng mga mamumuhunan, marapat na maisaalang-alang ito para sa lalong matagalang mga probabilidad sa pambansang ekonomiya.
Hindi sa sinasabing huwag pagtangkaang gawin ang mga repormang pampolitika, kundi sa halip ay iginigiit ang importansiya ng pagsasaalang-alang sa mga panganib ng mga di-sinadyang kinahinatnan. Habang mas ambisyoso ang adyendang reporma, tulad ng binigyang-diin na, lalong matindi ang mga panganib. Maaaring ang isang alternatibong pagdulog ay ang pag-uusisa kung may higit na maliit—at higit na may-katiyakan—na mga repormang solusyon na makareresolba sa mga natukoy na suliranin. Isa sa gayong solusyon ang pagbabagong-disenyo ng sistemang panghalalan, na (salamat sa masaklaw na naunang pag-aaral sa mga komparatibong karanasan) may higit na mababàng panganib ng mga di-sinadyang kinahinatnan. Kapag pinili ng mga tagapagreporma itong opsiyon na higit na may-katiyakan at may potensiyal na maging lubhang mabisa, posibleng makapagbagong-disenyo ng sistemang panghalalan nang may espesipikong layuning magtayô ng higit na malakas na mga partidong pampolitika.

Back | Proceed to Question 3: Paano matitiyak kung—sa komparatibong perspektiba—ang isang bansa ay higit na sentralisado o desentralisado? |