Alimpuyo sa Takipsilim

Sumusuot ang Alimpuyo sa Takipsilim sa laberinto ng mga pahiwatig, at itinatanghal sa kagila-gilalas ngunit malikhaing paraan ang mikrokosmo ng mga lihim, tuklas, dunong, at dungis na bagaman nagkukunwang personal ay tumatawid hanggang sentimyentong unibersal. Salungat sa inaasahang kumbensiyon, bukod sa nagpapanukala ng abanseng pagtanaw sa estetika at diwa ng tulang tuluyan, ang mga tula’y testamento ng mapanuri, maselan, at masinop na paggagap sa kinathang realidad.

Published in 2012.

₱405.00
Author: 
Roberto T. Añonuevo
Category: 
Weight: 
0.244 kg
ISBN: 
978-971-550-645-8
Imprint: 
AUP Imprint
Language: 
Filipino