 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Enterteyment para sa Tao, Bayan, Lansangan at Diyos (ENTABLADO)
Enterteyment para sa Tao, Bayan, Lansangan at Diyos (ENTABLADO)
 Ang ENTABLADO ang natatanging sosyo-pulitikal na pangkat panteatro ng Pamantasang Ateneo de Manila. Pinasinayaan noong 1982 nina Nappy Navarro, Revy de Mesa, Trisha at Caloy Colayco, Don Selorio, Alvin Flores at P. Rene Javellana, SJ, bilang ang unang tagapayo, ginagamit ng pangkat ang dulaan bilang lunsaran ng kamulatang panlipunan at talakayan ng mga usaping pulitikal. Bilang bahagi ng lupon ng Socially-oriented Organizations of the Ateneo (SOA), minimithi ng grupo ang pagbabago tungo sa sarili, sa kapwa at sa lipunan. Hinahangad din nitong katawanin ang katotohanan sa mga usaping kinakaharap ng bayan sa pamamagitan ng mabisa at malikhaing sining ng dulaan.
Hinuhubog ng organisasyon ang kaniyang mga kasapi sa pamamagitan ng kaniyang mga paninindigan sa teatro at sa pormasyong sosyo-pulitikal. Nagsilbing sandigan ng grupo ang mga haligi ng Produksyong Panteatro, Dulaang Pampamayanan, Dulaang Panlansangan, Sosyo-Pulitikal na Kamulatan, Sosyo-Pulitikal na Pagkilos at Pormasyong Espiritwal sa tanang kasaysayan nito.

|
|
|
|
| |
 |
Ateneo de Manila University Loyola Heights Campus Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines TELEPHONE (+63.2)426.6001 (trunkline connecting to all departments) EMAIL webmaster@admu.edu.ph
Copyright © 2006 Ateneo de Manila University. All rights reserved. |
|
|
|
|
|
|