Freddie Aguilar Earns Following from AJHS

November 15, 2013

Pabata ng pabata ang mga humahanga at umaawit sa mga awitin ng tanyag na mang-aawit na si Freddie Aguilar!

Kung tutuusin, kundi dahil sa napabalitang mga iskandalong kung saan damay ang idolo ng dekada 70, halos hindi na rin kilala ng mga kabataan ngayon si Ka Freddie. Ngunit, nitong nakaraang Palighasan na pinamunuan ng Filipino Department, kung saan nag tagisan ng galing ang mga Junior High School sa pagbabasa, mapapatunayang mali ang akala ng karamihan. Panoorin ninyo ang awiting  "Anak" na sumikat noong pang dekada 70 na itinanghal nina Diego Alcudia at Rafael Bernardino ng Junior High School para sa paligsahan ng Makabuluhang Pagbasa.