Skip to main content
Main Secondary Navigation
  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • Giving
  • News
  • Events
  • COVID-19 Info
Main navigation
COVID-19 Info
  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • Events >
  • ANWW19 Lecture Series: Dr Daniel Gerona Madrid

Lecture

ANWW19 Lecture Series: Dr Daniel Gerona Madrid

online

     21 Jun 2022 05:00 pm - 22 Jun 2022 07:00 pm

Para sa ikatlong panayam sa ika-19 na Ateneo National Writers Workshop (ANWW), makakasama natin si Dr. Daniel Gerona Madrid, tampok ang kaniyang panayam na pinamagatang "The Value of Archival Documents as Sources for Literary Narratives." Magaganap ito sa Hunyo 21, Martes, mula 5 n.h. hanggang 7 n.g., via Zoom.

ANWW19

Para sa mga interesadong makadalo sa nasabing panayam, maaaring mag-sign-up dito: go.ateneo.edu/ANWW19DaniloGerona.

Para sa hindi makadadalo, maaaring mapanood ang rekording ng panayam sa Hunyo 25, Sabado, dito sa Facebook page ng AILAP.

*

Noong 1995, habang binubuo ang kaniyang tesis doktoral sa ika-16 na siglong kasaysayan ng kumbersiyong Katoliko, ang “Hermeneutics of Power: Colonial Discourses in the Catholic Conversion of Kabikolan,” sinimulan ni Dr. Danilo Madrid Gerona ang kaniyang mahabang panahon ng malawak na pananaliksik pang-arkibo (bago pa man naging online ang mga arkibong ito), sa Pilipinas at sa Europa, partikular na sa mga arkibong imperyal sa Seville, sa Archivo General de Indias (AGI), ang mga arkibong eklesiastikal ng mga Pransiskano, ang Archivo Franciscano Ibero-Oriental (AFIO), at ang Biblioteca Nacional de España (BNE).

Ang kaniyang paggawa sa kaniyang aklat hinggil kay Magellan ay nagpalawak sa kaniyang pagkabilad sa mga arkibo sa pagtuklas na rin sa higit pang mga sanggunian sa mga arkibo ng Torre do Tombo sa Lisbon, mga papel ni Pigafetta sa Biblioteca Ambrosiana sa Milan at sa aklatang panlungsod sa Vincenza, ang tahanan ni Pigafetta, sa Italya. Kasalukuyan niyang binubuo ang kaniyang aklat na kinomisyon ng lalawigang Augustiniano hinggil sa unang limampung taon ng mga misyonaryong paggawa ng Orden sa Pilipinas (1565-1615), na ang mga bibihirang sanggunian ay kaniyang kinalam mula sa Archivo de los Padres Agustinos de Filipinas (APAF) sa Valladolid, España. 

 

 

General Interest Education Languages and Literature
Share:

Latest Events

Thesis / Dissertation Defense

A More Robust Face Mask Detection System with Combined Frontal Angled Viewed Faces

Mon, 04 Jul 2022

Lecture

A Lecture on the BOT Law and the 2022 New IRR

Wed, 06 Jul 2022

Academic Conference

4th International Conference on Southeast Asian Gateway Evolution (SAGE2022)

Sun, 07 Aug 2022

Workshop / Seminar / Short Course

Climate and Disaster Science Education: Fundamentals and Applications

Mon, 18 Jul 2022

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Ateneo Libraries Online
  • OBF Mail (Students)
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001