[Book Launch] Isang Dalumat ng Panahon
Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa lunsad-aklat ng Isang Dalumat ng Panahon ni Christian Benitez. Aabangan ang talakayang pangungunahan ng may-akda kasama si Alvin Yapan.
Gaganapin ito ngayong ika-25 ng Nobyembre 2022 (Biyernes), 5:00 ng hapon sa Natividad Galang Fajardo Room, Dela Costa Hall, Pamantasang Ateneo de Manila, at online sa Zoom.
Para sa mga nais dumalo, magpatala sa bit.ly/Lunsad-aklat-reg hanggang sa ika-22 ng Nobyembre (Martes).
HINGGIL SA AKLAT
Ang Isang Dalumat ng Panahon ay isang tangka sa diskursong teoretiko hinggil sa rendisyon ng temporalidad na maituturing na “Filipino.” Bilang pangunahing tuon at pamamaraan nito, bumabaling ang aklat sa panitikan, sa kritikal na pagbasa nito sa iba’t ibang teksto tulad ng mga talang pandiksiyonaryo, mga pag-aaral sa larang ng araling Filipino, at mga tula. Mula sa mga ito, umuusbong ang pagpapahalaga sa panahon bilang dalumat ng pagkakataon para sa mga bagay upang maging anupaman. Higit na pinalalawig ang ganitong pagtataya sa pagsasaalang-alang sa iba pang mga kakawing na kaisipan, tulad ng alamat at kasaganaan; materyalidad at dating ng mga bagay; tropo at tropikalidad; kontemporaneidad at kasaysayan; at pag-ibig at talinghaga. Sa gayon, isinasanay ng aklat ang isang mungkahi, kung hindi man panibagong, wika upang mapag-usapan ang panahon, sampu ng partikular na paggana nito sa mundong Filipino.
HINGGIL SA MAY-AKDA
Si Christian Jil R. Benitez ay kasalukuyang nagtuturo ng panitikan at retorika sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila, kung saan siya nagtapos ng AB-MA sa panitikang Filipino. Hinirang bilang Makata ng Taon 2018 ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang kaniyang mga akdang kritikal at malikhain hinggil sa panahon, tropikalidad, materyalidad, at poetika ay nailathala sa iba’t ibang dyornal sa loob at labas ng bansa.
Para sa mga nais dumalo, magpatala sa bit.ly/Lunsad-aklat-reg hanggang sa ika-22 ng Nobyembre (Martes).
BUMILI NG KOPYA NG AKLAT
Maaari ring bumili ng kopya sa Natividad Galang Fajardo Room, Dela Costa Hall sa araw ng lunsad-aklat.
Latest Events
Workshop / Seminar / Short Course
Areté | Design Your Own Superhero: A Father’s Day Laser Cutting Workshop
Wed, 14 Jun 2023
Ceremony
Pagtatapos 2023 ng mga Paaralang Loyola: Misa ng Pagtatapos at Pangkalahatang Pagtatapos
Fri, 30 Jun 2023
Ceremony
Pagtatapos 2023 ng mga Paaralang Loyola: Palatuntunan ng Pagtatapos ng Paaralang Gokongwei Brothers ng Edukasyon at Disenyo Ng Pagdunong, Paaralan ng Humanidades, at Paaralan ng Agham Panlipunan
Fri, 30 Jun 2023
Workshop / Seminar / Short Course
Turo-Guro 2023 Workshop Series: Education for an Uncertain World
Sat, 01 Jul 2023