Pagganap sa Pamumuno: Paano Nahuhubog ng Aktibong Pakikilahok sa Teatro ang Pamumuno
Pagganap sa Pamumuno: Paano Nahuhubog ng Aktibong Pakikilahok sa Teatro ang Pamumuno
by Joseph G. Dela Cruz, PhD in Leadership Studies major in Organizational Development Candidate
ABSTRACT
Siniyasat ng pag-aaral na ito ang pinagdaanang karanasan sa teatro ng mga kasalukuyang pinuno upang matukoy ang pangmatagalang bisa ng mga kakayahang panteatro sa pamumuno at maunawaan kung paano itong nahuhubog ng aktibong pakikilahok sa teatro. Ginamit ang Interpretative Phenomenological Analysis upang bigyang-katuturan ang mga datos na nakalap mula sa mala-may-istrukturang panayam sa 12 kalahok na naging aktibo sa teatro at kasalukuyang pinuno mula sa iba’t ibang industriya. Nabatid mula sa resulta na hindi lamang kakayahang pansarili ang nahuhubog ng teatro kundi kakayahan din sa pakikipagkapwa at pakikisalo sa pamumuno. Nakita mula sa karanasang ibinahagi ng mga kalahok kung paano nilang nagagamit ang mga naturang kakayahan sa kanilang kasalukuyang pamumuno at kung paano ito nahubog ng kanilang paggawa sa mga produksiyon sa teatro, ng naranasan nilang paggabay habang gumagawa, at ng kapaligirang kanilang ginagalawan. Nakadagdag ang pag-aaral na ito sa usapin ukol sa kakayahan ng teatrong humubog ng pamumunong maghahanda sa mga organisasyong humarap at mamayagpag sa mundong VUCA.
3:00pm Friday, December 9, 2022 (Online)
Adviser:
Mendiola T Calleja, PhD
Panelists:
Edna P Franco, PhD
Jowett Cecilio F Magsaysay, PhD
Jerry C Respeto, PhD
Marshaley J Baquiano, PhD
Keywords/Key Phrases: leadership, leadership development, Interpretative Phenomenological Analysis, theatre, improvisation, creativity
Latest Events
Lecture
SEAS 103i: Comparative ASEAN Health Policies (The ASEAN Health Challenges Lecture Series)
Tue, 07 Feb 2023