[AGS] Misa para sa Kapistahan ng Santo Niño
Maayong adlaw sa inyong tanan! Sa Biyernes, ika-20 ng Enero 2023, ipagdiriwang natin sa Mababang Paaralan ng Ateneo de Manila ang Kapistahan ng Santo Niño. Ipagdiriwang natin ang Panginoon na nagkatawang-tao at isinilang ni Maria. Siya ay sumaatin, nakisama sa atin, at sumasama sa atin sa paglalakbay sa buhay. Ang Panginoong ito ang niyakap ng ating mga ninuno sa Kabisayaan noong unang dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan. Ang imahen ng Santo Niño ang paalala sa atin ng pamanang pananampalatayang Kristiyano na higit limandaang taon nang naitanim sa ating bayan. Halina at purihin ang Señor Santo Niño! Kitang tanan magsinulog!
Latest Events
Meeting / Consultation / Town hall / Forum
Post-Haiyan Ecologies: A Roundtable Discussion on the 10th Anniversary of Typhoon Haiyan
Mon, 09 Oct 2023