Banal na Misa para sa Dumagat-Remontado IPs
Malugod na inaanyayahan ang komunidad ng Ateneo na makilahok sa banal na misa para sa mga kapatid nating katutubong Dumagat-Remontado bilang pagbasbas sa kanilang kilos protesta laban sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon at Rizal na ikasisira ng kanilang kabuhayan at ng kalikasan. Higit 300 na mga Dumagat-Remontado na katutubo, kasama ng mga magsasaka ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA), mangingisda, at mga environmentalists ang lumalahok sa Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam, isang kilos protesta sa pamamagitan nang pag-martsa na nagsimula noong Pebrero 15 mula Gen. Nakar, Quezon, hanggang makaabot ang grupo sa Malacanang sa Pebrero 23.
Ang banal na misa ay gaganapin sa
23 Pebrero 2023, Huwebes
ika 7:00 ng umaga
sa Church of the Gesu
Ang kagalang-galang na Padre Patrick Z. Falguera, S.J., Director ng Simbahang Lingkod ng Bayan at Rector of the Gesu, ang pangunahing tagapagdiwang ng misa.
Ang grupo ng mga katutubo at kanilang mga kasama ay magpapatuloy ng kanilang martsa pagkatapos ng misa. Mula Ateneo, sila ay tutungo sa MWSS at DENR bago tumuloy sa Malacanang.
Ang misa ay pinaghandaan ng LS Sanggunian ng mga Mag-aaral ng mga Paaralang Loyola, LS Office of Campus Ministry, LS Office for Social Concern and Involvement, Office of the Rector of the Gesu, at ng Office of the Vice President for Mission Integration, sa tulong at suporta ng Office of the Vice President for Administration.