[AGS] Sports Week
22 Nov 2022
Isinusulong ng selebrasyong ngayong linggo ang kahalagahan ng malakas na pangangatawan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga bata at kabataan sa iba’t ibang uri ng laro ng ating lahi.
Ang tema ng AGS Sports Week sa taong ito ay "Balik Sigla, Balik Saya, Tara Atenista, Laro na!" Ang napiling tema ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga katutubong laro at aktibong pakikilahok sa mga pagsasanay na makapagpapalakas ng ating katawan. Layunin rin ng temang ito ang pagsusulong ng pangkalahatang kalusugan. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa iba't ibang laro ay mas lalo pa nating makilala ang ating mga kapwa, kultura, at komunidad, at lalong mapaigting ang pagsulong ng adbokasiya na magkaroon ng aktibong pamumuhay para sa kalusugan.
Tara at maglaro na sa AGS!
Sama-sama nating ibalik ang sigla at saya sa AGS, batang Atenista!
Isinulat nina Ma. Carmela Labindao at Eric Guray.
Disenyo ni Rafael De Peralta.