Pagpapatulόy sa Pag-Asa, Pagpapatúloy ng Pag-Asa: LS holds 2022 Christmas Fellowship
06 Dec 2022
At dusk of the first Monday of Advent, 28 November 2022, the Loyola Schools held its Christmas Fellowship for 2022. Just like the three wise men, LS had three gifts to offer as a community: Prusisyon ng Panunuluyan, Banal na Misa, and a simple salu-salo.
As it has done in the past six years, the Panunulyan cast was composed of members from the various sectors of the LS community, and the angels are children of community members as well.


The main characters, Maria and Jose, were played by Dr. Inez Ponce De Leon of the Department of Communication and Rene Salvador San Andres, Associate Dean for Student Affairs. The presider and homilist of the mass was Fr Rene Javellana SJ of the Fine Arts Department.
The simple yet festive salu-salu that came after the mass was held at the Bellarmine field under the blue and white lights, and the twinkling stars of the night sky.
The theme for this year was Pagpapatulόy sa Pag-Asa, Pagpapatúloy ng Pag-Asa. It aims to impart this message - “Sa dulo ng lahat ng paghihirap, uusbong at uusbong pa rin ang pag-asa na ating patuloy na patutuluyin sa ating mga puso.”
About the Panunuluyan
Ang Panunuluyan ay isang tradisyong Kristiyano ng mga Filipino. Isinasadula nito ang mahirap na paglalakbay nina San Jose at Birheng Maria mula sa Nazaret patungong Betlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesus. Makikipanuluyan sa walong bahay ang banal na mag-asawa at paawit na makikiusap ng masisilungan, ngunit dadanasin nilang tanggihan at itaboy sa bawat pagkakataon sa iba’t ibang dahilan. Habang patuloy na naglalakbay, aawit ng mga himig pampasko ang mga kasama sa prusisyon. Sa pag-gabay ng mga anghel, sasapit sila sa sabsaban na pagsisilangan kay Hesus. Ang Simbahan ang karaniwang dulo ng prusisyon kung saan ipinagdiriwang ang banal na misa. Dito rin masisilayan ang huling tagpo ng natibidad habang inaawit ang Gloria.
Sa gitna ng lahat ng mga nangyayari sa ating bansa, binabalik tayo ng tradisyon ng Panunuluyan sa diwa ng pagpapakumbaba, na kahit ang ating Panginoon ay pumiling maisilang sa isang payak na sabsaban. Isang magandang paalala rin ang Panunuluyan na kahit masadlak man tayo sa kaguluhan, pagkalugmok at hindi-pagkakaunawaan, mananaig pa rin ang pag-asa at pag-ibig. Kagaya ng hindi pag-inda nina Jose at Maria sa lahat ng mga pintong nagsara, patuloy lang ang paglalakbay. Sa dulo ng lahat ng paghihirap, uusbong at uusbong pa rin ang pag-asa.
Top photo: Panunuluyan cast and production team after the Mass. Photo by Aaron Vicencio.