40 Days of Lent: Day 14
24 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 14
There are many saying about the wisdom of keeping good company, finding people to journey with, or allowing ourself to be comforted by others. Truly, moments of happiness can be better celebrated if they are shared. On the other hand, challenging experiences can be less difficult to go through if we have someone to hold our hand and support us.
Perhaps it is in our nature to look and long for companions and deep connections. Have you found yours? Do you have people you can easily turn to, with whom you can be authentic, and whom you trust with your life? Can you think of those who would always have your back and be with you in good and bad times? Who are family members, friends, colleagues or partners that revel in the good that you do and help re-direct you if you go astray?
God never meant for us to be isolated and desolate. We see this in how Jesus came to be with us in this wounded world, divine as he was. But his salvation did not end with his sacrifice on the cross because certainly, our Lord remains present to us through other people who bring his sense of healing, wholeness and home. It is one hope of our heart that we may find, recognize and keep those who can walk with us in this life. And the Father, Son and Spirit fulfill this desire for they always send us love through persons who become our angels, helpers and guides.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-14 na Araw
May mga kasabihan tungkol sa halaga ng pagpapanatili ng mabubuting ugnayan, pakikisalamuha sa mga kapwa-manlalakbay, o pakikiulayaw sa mga kaibigan. Tunay ngang ang mga pagkakataon ng kaligayahan ay mas naipagdiriwang kung naibabahagi sa iba. Sa kabilang banda, mas madaling pagdaaanan ang mga siphayo kung may umaalalay at kumakalinga sa atin.
Marahil likas sa atin ang humanap ng mga kaagapay at kadaupang-palad sa buhay. Natagpuan mo na ba ang sa iyo? Mayroon bang mga tao na madali mong nalalapitan, nakababatid ng tunay mong pagkatao, at napagkakatiwalaan mo ng iyong buhay? Matutukoy mo ba kung sino ang nangangalaga sa iyo at kapiling mo magaan man o mabigat ang pagkakataon? Sino ang mga kapamilya, kaibigan, kasama o kaulayaw mo sa kagiliwan at hindi mangingiming iwasto ka kung sakaling naliligaw ka ng landas?
Hindi kailanman hinangad ng Diyos na mawalay tayo at malumbay. Nakikita natin ito sa kung paano natin nakapiling si Hesus dito sa sugatang mundo, sa kabila ng kanyang kabanalan. Subalit hindi nagwakas ang kanyang pagliligtas nang ipako siya sa krus sapagkat nananatili siyang naririto sa mga taong nagsasabuhay ng kanyang paghilom, pagbubuo at pagkakanlong. Inaasam ng ating puso na matagpuan, makilala at mapanatili ang mga makakasama natin. At tinutugunan ng Ama, Anak at Espiritu ang ating pangangailangan dahil sa pag-ibig at walang puknat na pagpapadala ng mga taong nagiging anghel, tulong at gabay natin.