40 Days of Lent: Day 9
30 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 9
If we were asked about things that we are sure about as regards our self, this may be an easy exercise. We can say our name, place of work or school, family members. We can also mention what we are good at. And we can even include our favorites such as food, books and songs. This list can be a combination of facts about who we are and what we believe in relation to our identity.
When it comes to other people, we may also have a sense of who they are, what they do, what they like or prefer. Especially with those close to us, listing what we know may also be an easy task. How about if we do it as regards God? Will this also be something that we can do without much effort?
Let us make a list, even of just nine things. What do you know about Jesus? What do you believe about Christ? As you do this, you can be more mindful of those that you hold true in your heart, that you have strong conviction in, that you will fight and even die for. Make it personal, not just about what you heard or read about the Lord, but what he has been or not been to you in your particular history. Be assured that no matter what you enumerate, the man who died on the cross for you will never take back his offer of salvation. He will never change what he knows and believes about you that you are his beloved, whether you believe it or not.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-9 na Araw
Kung tatanungin sa atin ang mga bagay na tiyak tungkol sa sarili, maaaring madali itong pagsasanay. Maaari nating sabihin ang ating pangalan, trabaho o paaralan, mga miyembro ng pamilya. Marahil babanggitin din kung saan tayo magaling. At maisasama rin maging ang mga paborito natin tulad ng pagkain, aklat at awit. Itong talaan ay maaaring maging mga pinagsama-samang kaalaman tungkol sa kung sino tayo at ano ang mga pinaniniwalaan natin sa ating pagkatao.
Kung sa kapwa, mayroon din tayong hinagap ng sino sila, ano ang kanilang mga gawain, ano ang kanilang mga hilig o nais. Higit kung tungkol sa mga taong malapit sa atin, madali ring gawin itong pagtatala ng mga batid natin. Paano kung tungkol sa Diyos? Madali rin ba itong maisasagawa?
Gumawa tayo ng talaan, kahit ng siyam na bagay lamang. Ano ang batid mo tungkol kay Hesus? Ano ang mga pinaniniwalaan mo tungkol kay Kristo? Sa pagsasagawa nito, maging mas malay roon sa tunay mong pinanghahawakan sa puso, iyong may malalim kang paniniwala, iyong ipaglalaban at marahil pag-aalayan mo pa ng buhay. Gawin itong personal sa iyo, hindi lamang ang mga narinig o nabasa tungkol sa Panginoon, sa halip iyong mga nababatid mo batay sa mga naranasan o hindi mo naranasan sa kanya kaugnay ng sarili mong kasaysayan. Magtiwala ka na anuman ang iyong itala, hindi babawiin ng lalaking namatay sa krus para sa iyo ang handog na kaligtasan. Hindi rin siya magpapalit ng kaalaman at paniniwala tungkol sa iyo na ikaw ang kanyang iniibig, maniwala ka man o hindi.