Three New Books from Samar, Coroza

September 12, 2015
By: 
tasyo
Maligayang pagbati mula sa Paaralan ng Humanidades!
 
 
DR. EDGAR CALABIA SAMAR
Assistant Professor, Kagawaran ng Filipino
School of Humanities Research and Creative Work Faculty
 

101 KAGILA-GILALÁS NA NILALANG
(Lungsod Quezon: Adarna House, 2015)
Sanggunian ng mga tauhang pantastiko
mula sa ating mga akdang-bayan.

 
 

SI JANUS SÍLANG AT ANG LABANÁNG MANANANGGAL-MAMBABARANG
(Lungsod Quezon: Adarna House, 2015)
Ikalawang aklat ng serye ng nobelang young adult tungkol kay Janus Sílang na nagsimula sa Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon na kasalukuyang nominado para sa kategoryang pinakamahusay na nobela sa Filipino ng National Book Award.

 
Ilulunsad and dalawang aklat na ito sa Manila International Book Fair sa Setyembre 19 (Sabado), alas-2 nh sa SMX Convention Center. Magkakaroon din ng book signing sa booth ng Adarna House sa MIBF sa Setyembre 20 (Linggo) mula alas-2 nh.
 
 
DR MICHAEL M. COROZA
Associate Professor, Kagawaran ng Filipino
 

NAWAWALA SI MUNINGNING!

(Lungsod Quezon: Adarna House, 2015)
Kuwento ni Michael M. Coroza 
Guhit ni Tokwa S. Peñaflorida
 
Inilathala ng Adarna House, ilulunsad sa 19 Setyembre 2015, Sabado, ika-2:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Manila International Book Fair, Meeting Rooms 7-9, SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Lungsod Pasay.
 
May mas mauunang paglagda sa mga sipi ng aklat (book signing) ang awtor at ang ilustrador sa 16 Setyembre 2015, Miyerkoles, ika-2:00 hanggang 5:00 ng hapon, sa puwesto (booth) mismo ng Adarna House sa nasabi ring lugar.